
CORDERY para sa Gobernador ng Hawaii
Para sa Mas Mabuting Kinabukasan
Para sa mga Pilipino sa Hawaiʻi: mas mababang gastos sa pamumuhay, tapat na pamumuno, at mas maayos na kinabukasan para sa pamilya.
Kilalanin si Gary Cordery
Karaniwang tao, tunay na malasakit para sa kinabukasan ng Hawaiʻi.

Si Gary Cordery ay hindi politiko na hiwalay sa buhay ng karaniwang manggagawa. Mahigit 40 taon na siyang nagtatrabaho sa construction dito mismo sa Hawaiʻi—kasama ang mga manggagawa, sa ilalim ng matinding init ng araw, nag babanat ng buto para maitaguyod ang pamilya. Alam ni Gary kung ano ang ibig sabihin ng magtrabaho nang mabigat, gumising nang maaga, at umuwi nang pagod. Naranasan niya ang hirap ng paggawa, kaya nauunawaan niya ang pinagdadaanan ng mga manggagawa, lalo na ng mga pamilyang Pilipino sa Hawaiʻi.
Para kay Gary, ang gobyerno ay dapat kumampi sa mga nagtatrabaho, hindi sa mga pulitiko. Ang kanyang karanasan bilang manggagawa at negosyante ang nagtulak sa kanya na manindigan para sa tapat na pamumuno, abot-kayang pamumuhay, at mas maayos na buhay para sa bawat pamilya.
Kasama siya sa hirap—kaya handa siyang maglingkod para sa ikabubuti ng lahat.
Ang Plataporma
Para manatili ang ating mga pamilya sa Hawaiʻi Alam namin ang hirap ng buhay sa Hawaiʻi—mataas ang renta, mahal ang pagkain, at kulang ang trabahong sapat ang sahod. Maraming Pilipinong nagtatrabaho sa construction, hotel, restaurant, ospital, at caregiving ang halos walang naiiwan para sa pamilya. Panahon na para itulak ang tapat na pamumuno na susuporta sa maliliit na negosyo, magdadala ng mas maayos na trabaho, at magbibigay ng ginhawa sa buwis—para hindi na mapilitang umalis sa Hawaiʻi ang ating mga anak para maghanap ng kinabukasan sa mainland.
Share this issue:
Hindi takot—kundi may tiwala Gusto natin ng ligtas na komunidad, pero gusto rin natin ng patas at may respeto. Suportado natin ang mga first responders—mga pulis, bumbero, EMT—na araw-araw ay nagsasakripisyo para sa atin. Pero ang batas ay dapat para sa lahat, hindi lang sa may koneksyon. Sobra na ang mga taong dekada nang naghari dahil sa korapsyon, habang ang karaniwang pamilya ay naiwan. Panahon na para sa batas na makatao, patas, at walang pinapaboran.
Share this issue:
Hindi dayuhan—taga-Hawaiʻi tayo Ang mga pamilyang Pilipino ay nagtayo ng Hawaiʻi—sa mga gusali, hotel, ospital, at tahanan. Pero sa loob ng maraming taon, madalas kaming hindi pinapakinggan at hindi iginagalang bilang immigrant families. Naniniwala kami na ang gobyerno ay dapat kumampi sa mga magulang, protektahan ang kinabukasan ng mga anak, at tiyakin na may pagkakataon ang susunod na henerasyon dito mismo sa Hawaiʻi—hindi sa mainland lang. Karapat-dapat ang bawat pamilya sa respeto, trabaho, at maayos na buhay.
Share this issue:
Magtanong tungkol sa plataporma ni Gary
Manatiling Konektado
Sundan ang aming kampanya sa social media para sa real-time na updates, anunsyo, at eksklusibong content.
Follow on Instagram
See campaign photos, behind-the-scenes moments, and community events on Instagram.
@garycorderyforgovernor
Join Our Telegram Channel
Get instant updates, breaking news, and exclusive content directly on Telegram.
@GaryCordery4Governor
Sumali sa aming lumalaking komunidad at maging bahagi ng kilusan para sa pagbabago.